IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Ang mga ambag ni Damian Domingo sa pagusbong ng sining sa Pilipinas bilang isang larangang akademiko ay malaki. Gumawa siya ng isang mahalagang galaw patungo sa pagtupad ng kanyang pangarap na mas mapalapit ang sining sa masa noong 1821 noon itinatag niya ang isang paaralan para sa mga tagalikha ng sining sa kanyang tahanan sa Tondo. Ito ay isang napakalaking yapak para sa larangan ng sining sa Pilipinas. Pinagmasdan niya ang paglaki at pagusbong ng sining sa kapuluan bilang direktor ng kaunaunahang opisyal na akademya ng sining ng Pilipinas. Ang akademya ay marahil ang pinakauna sa buong Asya na nagturo ng Kanluraning mga pamamarahan sa perspektibong foreground, middle-ground, at background. Pinagaralan rin ang ibang mga banyagang pamamaraang pangsining sa akademya na nakatulong sa isang bagong henerasyong ng mga Pilipinong tagalikha ng sining. Nang nagbukas ang isa pang paaralang pangsining, ang Academia de Dibujo, na nagbukas sa 1823, si Domingo ay inalok na maging guro sa paaralan ng mga tagatagtag nito, ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Royal Economic Society of the Friends of the Country). Nanilbihan rin bilang direktor rin si Domingo ng akademya.
Sa termino ni Domingo bilang direktor, ipinakilala ni Domingo ang isang polisiya na nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Indio, na dating nakakaranas ng mababang patingin ng lipunan. Ang mga pamamaraang panturo at ang kurikulum ay sumailalim rin sa mga pagbago. Ang mga mag-aaral ay sinimulang turuan ng pamamaraan sa pagguhit ng still life at ng anyo ng tao. Tinuruan rin ng akademya ang mga mag-aaral sa kulay at sa paghahanda ng mga kalatagan at sa pagpinta gamit ng langis at aquarelle. Nakaranas sana ng mas malalaking pagbabago ang akademya kung hindi namatay ng maaga si Domingo sa gulang lamang na 38 anyos. Hindi napantili ng akademya ang matataas na pamantayan na pinairal ni Domingo at nagsara rin noong 1834. Sa ilang taon na si Domingo ay na sa akademya, nakapagsanay rin ang pamantasan ng ilang mga Pilipinog tagalikha ng sining na sinanay sa Kanluraning kaugalian sa sining The academy wasn't able to maintain the high standards Domingo had set, and subsequently closed in 1834. The few years that Domingo was at the academy did manage to produce some of the earliest Filipino artists trained in Western artistic traditions.
Explanation:
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.