Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

PAGSAGOT SA GAWAIN
Karagdagang Gawain mula sa guro wala sa modyul Gawain A Isulat sa sagutang papel ang Fil 5 Q3 Modyul 3
Gawain C
Panglan:
Seksyon:
Petsa:
Basahin ang teksto sa ibaba at bumuo ng angkop na pamagat para rito at bumuo ng mga tanong gamit ang mga salitang pananong na: ano, sino, saan, kailan, at bakit. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Tuwing hapon, ito ang oras na pinakahihintay nina Romel at Recel, dahil tapos na nilang sagutin ang mga gawain sa kanilang modyul. Ito ang oras kung saan pinapayagan na silang maglaro ng kanilang mga magulang, Magkapitbahay at magkaibigan sina Romel at Recel. Silang dalawa ay parehong nasa ikalimang baitang. Paborito nilang laruin ang habulan. Tuwangtuwa sa kanila ang kanilang mga magulang lalo’t kung sila’y naghahabulan na hindi maabot-abutan ni Recel si Romel. Mabilis itong tumakbo kaysa kay Recel. Minsan, sinasadya na lamang ni Romel na maabutan siya ni Recel para magtagal pa ang kanilang paglalaro. Umaayaw kasi si Recel kung palagi siyang taya. Sa sobrang paglalaro nina Romel at Recel, minsan naliligo na sila sa sarili nilang mga pawis. Basang-basa na ang kanilang mga damit, ngunit hindi pa rin silatumitigil sa paglalaro. Humihinto lamang sila kung napapansin nila na takipsilim na pala. Hindi nila namamalayan ang oras! Kaya, kung gabi na, naisin pa man nilang ituloy ang paglalaro kailangan talaga nilang maghiwalay na. Naghihiwalay silang may ngiti sa kanilang​


Sagot :

Answer:

Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?

Kailan sila pinapayagan ng kanilang mga magulang sa paglalaro sa labas?

Ano ang kanilang ginagawa?

Bakit umayaw si Recel?

Saan sila naglalaro?

hope it helps <3