IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Bugtong: Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
Salawikain: Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.
Tanaga: Nahihiya ang dalaga,
Mukha’y ayaw ipakita.
Nagtatago sa balana,
Sa hipo ay umaalma.
Makahiya
Epiko: Manimimbin (Epiko ng Palawan)
Ang Maninimbin ay isa sa mga nalikom at reirekord ng etnolohistang Pranses na si Nicole Revel sa kaniyang pagsasaliksik sa Palawan. Narinig niya ang epikong-bayan kay Masinu. Nalathala ito sa Paris noong 2000 na may kalakip na mga salin sa Pranses at Ingles. Isa pang epikong-bayang Palawanon, ang Kudaman, ang inilathala sa Paris noong 1983 at muling inilathala noong 1991 nang may salin sa Filipino ni Edgardo Maranan.
Buod ng Manimimbin
Ang binatang si Manimimbin na naglakbay sa paghahanap ng asawa. Nakatagpo siyá ng isang babae na inibig niya ngunit tumutol sa kaniyang panunuyò. May kapatid ang babae, si Labit, na naging kaibigan ni Manimimbin. Sa pagpapatuloy ng kuwento, nag-away sina Manimimbin at Labit. Dahil kapuwa may mahiwagang kapangyarihan, tumagal ang kanilang paglalaban at walang manalo. Naisip niláng lumipad sa langit at humanap ng tagapamagitan. Natagpuan nilá ang Kulog at bumalik silá sa lupa. Sa ikalawang paglalakbay ni Manimimbin at sa tulong ng mga mahiwagang ibon at ng Binibini ng mga Isda, nagwakas ang epikong-bayan sa sabay na pag-iisang-dibdib nina Manimimbin at Labit. Nakasal si Manimimbin sa kapatid ni Labit at si Labit sa kapatid ni Manimimbin.
Awiting Bayan: Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)
Dandansoy, bayaan na kita
Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.