IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

This for learners or students need answers in this activity:Magtala sa kolum ng mga epektong hatid ng gateway drugs sa katawan ng tao

1.Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ito ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Matatagpuan ito sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine tulad ng nasa listahang inihaanda ko.

2.Alcohol ang pag- inom ng mga inuming may alcohol tulad ng beer at alak ay nagdudulot din ng adiksyon. Ang alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Ang alcohol ay may iba't ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang gamot na pampakalma.
Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay isa sa malawakang inuming kinukunsumo sa maraming bansa sa mundo. Katulad ng tabako, ang alcohol ay isa sa mga legal na gateway drugs na pinagsisimulan upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Sa simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa sa tuwing may mga okasyon lamang ngunit sa pagtagal, ang pag- inom ng alak ay nagiging karaniwang gawain at libangan. Kahit ang isang tao ay hindi maitutring na alcoholic, malaki ang posibilidad na matuto rin siyang gumamit at malulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangyayari ito, tuwing siya ay lasing o nagiging gawi dahil nakararanas siya ng kasiyahan sa paggamit nito

3.Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong, ay mayroon ding nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine.Ang nicotine ay mabilis na pumapasok sa katawan. Mula sa baga, dumadaan ito sa bloodstream at sa loob ng pito hanggang sampung segundo ay pumapasok sa utak. Ang reaction ng utak sa nicotine ang nagdudulot ng nicotine addiction.
Mabilis din ang reaksyon ng puso sa nicotine. Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso. Bumababa rin ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries. Bukod dito, nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells dahil sa carbon monoxide ng sigarilyo. Dahil dito, ang nicotine ay ang tinuturong pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at heart attack sa mga naninigarilyo.

Ayon sa mga eksperto, ang katamtamang konsumo ng kape (200 hanggang 300 milligrams, mga dalawa hanggang apat na tasa) ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ngunit ang malakas na pagkonsumo nito (400 milligrams at mas mataas pa, mga apat pataas na tasa) ay nagdudulot ng hindi kanaisnais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
§ Insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog
§ Nerbyos
§ Pagkabagabag
§ Pagkairita
§ Pangangasim ng sikmura o gastroenteritis
§ Mabilis na pagtibok ng puso
§ Pangangatog ng kalamnan o muscle tremors
§ Depression
§ Nausea o pagkaduwal
§ Madalas na pag-ihi
§ Pagsusuka​


This For Learners Or Students Need Answers In This ActivityMagtala Sa Kolum Ng Mga Epektong Hatid Ng Gateway Drugs Sa Katawan Ng Tao1Ang Caffeine Ay Isang Uri N class=