IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 O Himig as One Sadyang mahilig umawit ang mga Pilipino. Isa ito sa mga talentong maipagmamalaki sa buong mundo. Bahagi na ito ng ating kultura, anuman ang gawain, gaano man ito kahirap, pinagagaan ng musika ang anumang trabaho o aktibidad. Pagkakataon mo nang ipakita ang iyong talento sa Himig as One. Gumawa ng sariling awitin na may dalawang bahagi at tig-apat na linya o taludtod (anyong strophic). Pumili ng paboritong mang-aawit at isa sa mga awitin nito. Palitan ang mga liriko at titik ng awitin. Palitan rin ang pamagat nito. Gamit ang mga lirikong binuo ilapat o ihalaw ito sa napiling awitin. Maaaring tungkol sa buhay, pag-ibig, kasiyahan o pagkakaibigan ang tema ng gagawing kanta. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang napiling awit at ang lirikong iyong ginawa. Maaring humingi ng tulong sa iyong magulang o kapatid upang maisagawa ang gawain, awitin ang iyong komposisyon sa iyong kaibigan o sa iyong kasamahan sa tahanan. (Maaaring ivideo ang gawain at ipadala ito sa guro sa messenger bilang awtput.). Markahan ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (V)ang tamang kolum ng rubriks sa baba. 2 5 Rubriks Pamantayan 1 34 Naawit nang may wastong tono ang komposisyon. Naipakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng awit. Naipadama ang damdamin ng awit. Naipakita ang kasiyahan sa pag-awit. 5- Pinakamahusay 2- Mapaghuhusay pa 4- Mahusay 1- Nangangailangan pa ng pagsasanay 3- Katanggap-tanggap Gawain sa Pagkatuto Bllang 4 Gumawa ng tulang may dalawang bahagi at may tig-apat na linya, pamagatan itong "Buhay", isulat ang ginawang tula sa sagutang papel o kwaderno. Isaalang alang ang rubriks para sa gawain.​