Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Ang Paligsahan sa Pag-awit sa Panahon ng Pandemnya Dahil panahon ng pandemya, ang Mababang Paaralan ng San Nicolas ay magkakaroon ng virtual na paligsahan sa pagkanta. Ang magkaibigan na sina Jonathan al Michael ay kinilala bilang pinaka mahuhusay na mang-aawit sa kanilang paaralan. Napagkasunduan nila na sumali sa paligsahan. Bilang paghahanda, nagsanay si Michael sa pag awit. Iniwasan muna niyang magpuyat at kumain ng mga maaaring makasama sa kaniyang boses. Samantalang si Jonathan ay pinagtatawanan ang ginagawa ng kanyang kaibigan habang siya ay kumakain ng ice cream at cake. Panatag siya na mas magaling siya kaysa kay Michael dahil siya ang nakakuha ng unang puwesto noong nakaraang paligsahan. Araw ng poligsahang virtual, ito ay panonoorin ng marami. Unang umawit si Michael. Halos ang lahat ng mga nanonood ay humanga sa ganda ng kaniyang tinig, Sunod naman si Jonathan, nagsimula ng tumugtog ang musika. Ngunit ng siya ay magsisimula ng umawit, walang boses ang lumlabas sa kaniyang bibig. Inulit ng guro ang musika sa pag-aakalang nagka problema lamang sa internet connections. Muli finugtog ang musika. ngunit ganun pa rin, wala pa rin boses, Paos pala si Jonathan. Dahil doon, inihayag na panalo sa paligsahang virtual si Michael.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.