IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang tekstong impormatibo​

Sagot :

Answer: Ano ang Tekstong Impormatibo

Tekstong Impormatibo

Sa Ingles na salita, ito ang tinatawag na ''informative text". Ito ay uri ng teksto na naglalahad o nagbabahagi ng mga bago at mahalagang kaalaman at impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pang maaaring maging paksa.

Ang tekstong ito ay batay sa mga tunay na pangyayari at ipinapaliwanag ito ng detalyado sa paraang maipapabatid ang ideya o kaisipan ng paksa sa pamamagitan ng tamang pagkasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye.

Kailangan dito ang pananaliksik at mga mahahalagang mga impormasyon bilang ebidensiya sa tinatalakay ng paksa.

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo

Pantulong Kaisipan

Upang maintindihan ang isang paksa, kailangan ang mga iba pang detalye o impormasyon upang mailahad ng buo ang tungkol sa paksa upang maintindihan at maliwanagan sa isinasaad ng paksa.

Estilo sa Pagsulat/ Gamit Upang Mailahad ang ideya o kaisipan ng Paksa

Kailangang maayos at tama ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye. Kailangan din na may mga magpapatibay gaya ng mga posibleng propesyunal na magbibigay ng impormasyon tungkol sa nasabing paksa.

Halimbawa ng mga Tekstong Impormatibo

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga:

pahayagan o balita

magasin

textbook

encyclopedia

mga website sa internet

at iba pa