IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano-ano po ang apat na ponemang suprasegmental​

Sagot :

Answer:

1.Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:

1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw

2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.

Halimbawa:

1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)

2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)

3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)

4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:

1. Hindi, siya ang kababata ko.

2. Hindi siya ang kababata ko.

4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:

1. BU:hay - kapalaran ng tao

2. bu:HAY - humihinga pa

3. LA:mang - natatangi