Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
Limang susi sa pagiging matagumpay
1.Magkaroon ng Tamang Pangmalas sa Pera
“Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay, at sa pag-abot sa pag-ibig na ito ang ilan ay . . . napagsasaksak ng maraming kirot ang kanilang sarili.” (1 Timoteo 6:10) Pansinin na hindi isyu rito ang mismong salapi—na kailangan nating lahat para pangalagaan ang ating sarili at ang ating pamilya—kundi ang pag-ibig sa salapi.
2.Maging Bukas-Palad
“May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Ang paminsan-minsang pagbibigay ay nagdudulot din ng kaligayahan, pero kung ugali na ng isa ang pagkabukas-palad, aani siya ng namamalaging kaligayahan.
3. Maging mapagpatawad
Patuloy ninyong . . . lubusang patawarin ang isa’t isa kung ang sinuman ay may dahilan sa pagrereklamo laban sa iba. Kung paanong si Jehova ay lubusang nagpatawad sa inyo, gayon din naman ang gawin ninyo.” (Colosas 3:13) Sa ngayon, bihira na ang nagpapatawad; mas gusto ng mga tao na makabawi kaysa magpakita ng awa. Ang resulta? Ang insulto ay tinatapatan ng insulto, at ang karahasan naman ay ginagantihan ng karahasan.
4.Magpakita ng Walang Pag-iimbot na Pag-ibig
“Ang pag-ibig ay nagpapatibay.” (1 Corinto 8:1) Ano kaya kung wala kang minamahal o walang nagmamahal sa iyo? Napakalungkot ng buhay at walang-silbi! “Kung . . . wala akong pag-ibig [sa iba], ako ay walang kabuluhan. . . . Hindi ako nakikinabang sa paanuman,” ang isinulat ng Kristiyanong apostol na si Pablo sa ilalim ng patnubay ng Diyos.—1 Corinto 13:2, 3.
5.Maging Palaisip sa Iyong Espirituwal na mga Pangangailangan
“Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Hindi tulad ng mga hayop, may kakayahan ang tao na magpahalaga sa espirituwal na mga bagay. Kaya nagtatanong tayo, Ano ang layunin ng buhay? Mayroon bang Maylalang? Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo? Ano ang magiging kinabukasan natin?
#Carryonlearning
Answer:
1.pagiging masinop
2.pagiging masipag
3.pagiging masunurin
4. pagiging magalang sa mga nakatatanda at sa mga kapwa bata
5.pagiging matulungin sa isa't isa
Explanation: carry on learning
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!