Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

May paunang-pasulit ang modyul na ito upang masubok ang iyong nalalaman na may kinalaman sa paksa na tatalakayin. Ganunpaman, ang iyong magiging sagot at iskor na makukuha sa pagsubok na ito ay hindi makakaapekto sa magiging iskor sa kabuuan matapos mong mapagtagumpayan ang lahat ng mga gawain. Handa ka na bang sagutan ang paunang-pasulit? Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot. *para sa bilang 1-8: "Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas. Hango sa "Ang Tsinelas" ni Jose Rizal 1. Batay sa nabasang bahagi ng kwento, saan naganap ito bilang tagpuan ng kwento? a. sa parke c. sa bakuran. b. sa pamilihan d. sa dagat 2. Kung susuriin ang unang bahagi nito, paano nagsimula ang kuwento? a. Sumama si Pepe sa pamamangka. b. Naalala niya ang hitsura ng kanyang tsinelas na ginamit c. Habang nagsasagwan ay abala siya sa katitingin sa ilog. d. Nakataas ang mga paa ni Pepe sa kahoy na upuan ng kanyang ama. 3. Ano ang kapana-panabik na bahagi ng kuwento? a. Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe. b. Kukunin ng ama ni Pepe ang tsinelas. c. Itinapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. d. Lumipad nang sabay-sabay ang mga ibon. 4. Aling bahagi ng kuwento ang maaaring pagtalunan? a. Kung isasama si Pepe ng kanyang ama sa pamamangka' b. Kung magiging mabulaklak ang mga halaman. c. Kung itatapon ni Pepe ang kabyak ng tsinelas. d. kung papagalitan siya ng kanyang ama 5. Sa bahagi ng kuwentong binasa, ano ang aral na mapupulot sa kwento? a. katapatan sa bayan b. pagpapahalaga sa kapwa c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba d. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan 6. Kung susuriin ang binasang kwento, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang taglay nito? a. Ito ay napapanahon b. Mahusay ang sumulat. c. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat. d. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan ng pagpapahayag. 7. Kung iisipin mo ang huling bahagi nito, ano sa palagay mo ang naging wakas ng anekdota? a. Lumubog ang bangka. b. Hindi na makalipad ang mga ibon. c. Hinangaan si Pepe ng kanyang ama. d. Nagtampo kay Pepe ang kanyang ama. 8. Sa pagsulat ng anekdota, ano ang unang dapat pagtuunan ng pansin ng manunulat sa 3​

Sagot :

Answer:

1.d

2.c

3.c

4.a

5.c

6.d

7.c

8.

Explanation:

sana po makatulong