Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War I o pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.