IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
1. Huwag kang makialam! Hindi mo pa ‘yan dapat pinakikialaman, bata ka pa! Naalala mo pa ba ang mga linyang ito mula sa mga magulang mo noon? May mga bagay sa iyong paligid noon na hindi mo maaaring pakialaman dahil bata ka pa; pero lumilipas ang panahon at nagbabago ang maraming bagay. Darating talaga ang pagkakataong mas mahalaga para sa isang kabataang katulad mo ang makialam. Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Marami ka na bang napapansing mga pagbabago? Nag-iiba na ba ang mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at mga isyung nangingibabaw sa media? Kung OO ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin, mayroon ka ng pakialam sa iyong lipunan. Nakikilala mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi nito. Kung HINDI naman ang iyong sagot, huwag kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang iyong pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa baitang na ito. Sa dalawang taon mo ng pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao, nagkaroon ka ng pagkakataong masuri ang iyong pananagutan sa sarili at sa iyong kapwa. Ngayong taon naman ay mamumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan. Napag-aralan mo sa asignaturang Araling Panlipunan ang maraming bagay tungkol sa lipunan, ang kahulugan nito, layunin at marami pang iba. Sa pagkakataong ito’y mauunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay nito sa mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa baitang na ito. Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang lahat? Bakit ba mahalagang ito ay makamit at mapanatili? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan? Tara na!
2. DRAFT March 31, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1 Pahina 2 Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.1. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat 1.2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan 1.3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto 1.4. Naisasagawa ang isang proyektong makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang Pampagkatuto 1.4: a. Makabuluhan ang isinagawang proyekto para sa pagkamit ng layunin ng lipunan b. Maayos ang pagpaplano para sa pagsasagawa ng proyekto c. Maayos ang implementasyon ng proyekto d. Nakilahok/Nakibahagi ang lahat ng kasapi ng pangkat e. May kalakip na komprehensibong dokumentasyon at pagninilay Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel. 1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manial University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang: a. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao b. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
Explanation:
love ya.
Salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.