Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Answer:
Apat na Uri ng Tula 1. Tulang Liriko o Pandamdamin -nagtataglay ito ng mga karanasan,guniguni,kaisipan at mga pangarap tungkol sa pag-ibig,ligaya,lungkot,hinanakit atbp.Karaniwan itong maikli at payak at itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin. 2. Tulang Pasalaysay -ito ay naglalahad ng makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay sa anyong patula tulad ng pag-ibig at pagkabigo,tagumpay na mula sa kahirapan.Inilalahad din dito ang katapangan at kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma.
4. 3. Tulang Dula -ito ay isang tula na isinasagawa ng padula na itinatanghal sa isang entablado o dulaan.Ang usapan dito ng mga tauhan ay sa paraang patula. 4. Tulang Patnigan -tulang sagutan na itinatanghal ng mga nagtutunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula,kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.