IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa pangkomunidad na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

bumuo ng sariling talata na may pito hanggang sampung pangungusap.
thanks:)


Sagot :

Answer:

Si Pam ay ipinanganak sa Maynila noong Ika-22 ng Hunyo taong 1994. Hindi niya nakilala ang kaniyang ama at ang kaniyang ina naman ay may iba nang pamilya. Para sa akin, siya ay lubusan kong hinahangaan dahil siya ay matatag sa mga hamon ng buhay. Ilang beses kong nasaksihan ang kaniyang pagpupunyagi sa lahat ng mga kahirapang nararanasan niya. Kahit na ilang beses na siyang nalugmok ay patuloy pa rin siyang lumalaban. Ilang beses siyang nahinto sa pag-aaral ngunit patuloy siyang lumaban at ngayon ay isa na siyang guro. Ayon sa kaniya, ang tao ang dapat na nagdadala ng problema at hindi ang problema ang nagdadala sa tao. Dahil sa kaniyang mga pahayag, nagiging positibo rin ang aking pananaw sa buhay. Gaya niya, gusto ko ring maging matatag at patuloy na lumaban sa mga hamon ng buhay.

Explanation:

Answer:

Pamagat: Saranggola

Talata:

Ang aking saranggola ay matibay. Tuwing may mahabang bakasyon ay umuuwi kaming magkakapatid sa lalawigan ng aking nanay. Iginawa ako ng saranggola ni lolo. Hugis tutubi ang saranggola. Mataas ang lipad ng aking saranggola. Naglalaro ito sa himpapawid. Sumasabay sa hangin. Matatag ang kamay ko sa paghigpit sa mahabang pisi. Lumalaban ito ng sabayan sa saranggola ng aking kalaro. Ang aking saranggola ay matatag.

Note: Ang uri ng talatang ito ay nagsasalaysay. Kaya ko ito pinili dahil iyan lang ang nakita kong maiksing talata sa libro. Pakisabi nalang sa akin kung mayroong mali salamat!