Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Pasasalamat sa aking magulang,
Magulang na itinaguyod ako at inalagaan,
Magulang na walang sawa akong inintindi at pinangaralan,
At magulang na mamahalin ako ng walang katapusan.
Hindi biro ang maging isang ama,
Hindi biro maging isang haligi ng tahanan sa pamilya,
Pamilyang kanyang itinaguyod sa abot ng makakaya,
Ama, na di iniinda lahat ng hirap at sakit,
Pati na rin ang pagod at mga butil ng pawis ay kanyang tinitiis,
Na tila ba’y pasuko na pero pilit pa ring lumalaban,
mabigay lang ang pang araw-araw naming pangangailangan.
Hindi rin madali maging isang ina,
Ina, na siyang ilaw ng tahanan sa pamilya,
Pamilyang responsibilidad niya ang kalusugan ng bawat isa,
Kalusugan at kaligtasan pati na rin ang kasiyahan lalong lalo na ang pagkakaisa,
Isang ina na napakahaba ng pasensya,
Pasensya at pag iintindi para sa mga anak nya.
Bilib ako sa kanilang dalawa,
Bilib ako sa aking ama at ina,
Na paulit ulit lumalaban para sa aming pamilya,
Sa aking ama at ina na isinasakripisyo ang sariling kagustuhan,
Kagustuhang bumili ng bagong damit sapatos at kung ano-ano pa,
Sa kadahilanang kami ang kanilang inuuna.
Ako rin ay napahanga sa katatagan nilang taglay,
Sa suporta at aruga na kanilang ibinibigay,
Pati na rin sa mga kailangan naming bagay-bagay,
at higit sa lahat sa pagmamahal na walang humpay.
Kaya salamat,
Salamat mama salamat papa,
Salamat sa lahat ng pag aalaga,
Pinalaki niyo akong may takot sa Diyos at respeto sa kapwa,
Na babaunin ko hanggang sa aking pagtanda.
Advertisements
Explanation:
sana po maka help
Answer:
Nagpapasalamat ako sa aking magulang dahil sila ang naging mahalagang parte sa aking buhay. Importante ang ating magulang dahil sila ang gumagabay sa atin. Ang aking magulang ay isa sa aking mga hinahangaan dahil kahit sila ay pagod na sa trabaho ay pinipilit pa rin nila para ako ay ma kapag tapos ng pag-aaral para makamit ang aking pangarap. Sila ang nag-iimpluwensya sa akin kung paano maging mabuting bata. Ang ating magulang ay isa rin sa mga taga suporta natin sila ang nandyan para tayo ay kanilang suportahan sa anumang hilig natin gawin.Kahit mahirap man ako turuan at hindi sumusunod sa inyo,salamat dahil minamahal at inaalagaan ninyo pa rin ako. Sa hirap man o ginhawa, sila pa rin ang magulang mo kaya't dapat mahalin mo sila gaya nag pagmamahal nila sayo.
Explanation:yan na
pa brainliest po ty
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.