Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa sa IDNStudy.com. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
A. Panuto: Makinig nang mabuti habang binabasa sa 'yo ng iyong tagapagdaloy o kasama sa bahay ang teksto at ihanda ang sarili sa mga gawaing nakatakda sa mga sumusunod na pahina. Ang Tindera ni Antonette S. Espora Si Aling Panyang ay isang tindera ng pagkain sa aming lugar. Kilalang-kilala siya dahil sa kahanga-hanga niyang katangian. “Tindera ng mga Mahihirap" ang palayaw sa kaniya. Mabait at magalang siya sa mga mamimili. Iniiwasan niya ang pagsigaw o pagsungit sa kanila. Maunawain at matulungin rin siya sa mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga mahihirap. Maging ang mga pulubi na napaligaw ay kaniyang pinapakain at inaasikaso nang mabuti. Araw-araw ay maagang gumigising at nag-aayos ng kaniyang tindahan si Aling Panyang. Sinisigurado niya na palaging malinis at sariwa ang mga nilulutong pagkain. Dahil mura at masarap ang mga ito, marami siyang suki. Maaga pa ay ubos na ang kaniyang mga paninda. Hindi niya inaalintana ang pagod at hirap sa pagtitinda upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang dalawang anak. Ang pagtitinda kasi ang naiwang hanapbuhay ng kaniyang namayapang asawa kaya labis ang pag-iingat niya rito. Dahil sa taglay niyang ugali, marami ang humahanga sa kaniya. Minamahal at iginagalang siya ng mga tao. Mahirap at nakapapagod man ang pagtitinda, masayang ginagampanan ni Aling Panyang ang kaniyang tungkulin. Para sa kaniya, ito ang kaniyang paraan ng hanapbuhay at kawanggawa.
panuto: sagutin ang sumusunod na mga tanong. isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang ginagawa ni aling panyang araw-araw? 2. Bakit hindi alintana ni aling panyang ang pagod at hirap sa pagtitinda? 3. Anong mga katangian ang taglay ni aling panyang bilang isang manggagawa o tindera? 4. "Tindera ng mga mahihirap" bakit ito ang bansag kay aling panyang? 5. kung ikaw si aling panyang gagawin mo rin ba ang ginagawa niya? Bakit?
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!