Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Suliraning Pang - ekonomiya
Ang kakapusan ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng suliraning pang - ekonomiya. Ang mga ito ay may direktang epekto sa ekonomiya ng bansa at kabuhayan ng tao. Maraming tao ang walang trabaho. Ang kawalan ng trabaho ay nagdudulot ng kahirapan at kagutuman. Idagdag pa ang kawalan ng perang panustos para sa mga pangangailangan.
Mga Halimbawa ng Suliraning Pang - ekonomiya:
climate change
mga trahedyang dulot ng pagmimina
unemployment
globalisasyon
sustainable development
Ang climate change ay may direktang epekto sa ekonomiya ng bansa. Ang pagbabago ng klima ay may negatibong epekto sa pagsasaka at pangingisda na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Nahihirapan ang mga tao na pamahalaan ang mga likas na yaman sa tuwing magkakaroon ng pagbabago sa klima. Sa tulong ng teknolohiya, natututo ang mga tao na gumamit ng mga makabagong pamamaraan upang lutasin ang suliraning pang - ekonomiyang dulot ng climate change.
Ang pagmimina ay isang uri ng industriya dito sa Pilipinas. Ngunit ang industriyang ito ay may mga negatibong epekto sa ekonomiya sapagkat may mga pagkakataong isinasakripisyo nito ang kalagayan ng kapaligiran. Apektado ng pagmimina ang mga likas na yaman. May mga naitalang trahedya na bunga ng pagmimina.
Ang unemployment ay isa ring suliraning oang - ekonomiya. Ang kawalan ng full employment ng isang bansa ay nangangahulugan lamang na maraming tao ang walang trabaho. Kung wala silang trabaho, aasa lamang sila sa tulong na ibibigay ng pamahalaan.
Ang globalisasyon ay isang palatandaan ng pagsulong ng ekonomiya. Ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng pagtaas ng antas ng teknolohiya ng isang bansa.
Ang sustainable development ay isang suliraning pang - ekonomiya sapagkat kailangang tugunan ang pag - unlad ng hindi nakokompromiso ang kakayanang tugunan ng sususnod na salinlahi ang kanilang mga pangangailangan.
Explanation:
hope it helps po
Answer:Pang-ekonomiya. lahat ng bansa sa daigdig ay nahaharap. sa isang suliranin na may kinalaman sa. kalagayan ng mga pinagkukunang-yaman ...
Explanation; HOPE IT HELPS
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.