IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Pagtukoy ng Posisyon Batay sa Reference Point
Narito ang dalawang halimbawa ng pagtukoy sa posisyon gamit ang isang reference point ayon sa naka-attach na larawan.
REFERENCE POINT #1: Ang bangko at puno
Kung ang pagbabasehan ko ay ang bangko at puno, halimbawa ay nakaupo ako sa bangko, ang mga nakalista sa ibaba ang nagkaroon ng pagbabago sa posisyon.
- Ang batang nagbibisikleta
- Ang lalaking naglalakad/tumawid ng kalsada
- Ang kotse
Sa kinauupuan ko, sa bangko, ang tanging hindi nagbago ng posisyon ay ang street light.
REFERENCE POINT #2: Ang kotse
Kung ang reference point ko naman ay ang kotse, halimbawa ay nakaupo ako mismo sa loob ng kotse at nakatingin sa senaryo sa labas ng bintana, narito ang mga bagay na nagbago ang posisyon.
- Ang bangko at puno
- Ang street light
- Ang batang nagbibisikleta
- Ang lalaking naglalakad/tumawid ng kalsada
Samakatuwid, dahil nasa loob ako ng kotse, sa paningin (i.e. nakikita ng mata) ko, lahat ng bagay sa labas ng kotse ay gumagalaw o nagbabago ng posisyon maliban sa mga nasa loob ng kotse.
Alin man sa bagay o tao na nasa larawan, lahat sila ay maaari mong gawin reference point. Tandaan, ang reference point ay isang bagay na siyang basehan mo para alamin ang posisyon ng isa pang bagay.
Tulad ito ng panonood natin sa araw. Kapag tinanong tayo ng "Paano mo ilalarawan ang posisyon ng araw sa loob ng isang oras?" at nasa Timog Hemispero ka't nakatingin sa Norte, maaaring ang sagot mo ay "Gumagalaw ang araw mula sa kanan pakaliwa." Nasasabi natin ito dahil ang reference point natin ay ang Earth o Mundo.
Pero, kung nasa kalawakan tayo (o outer space) pero nasa loob pa rin ng Sistemang Solar, maaaring ang isagot natin ay "Hindi gumagalaw ang araw bagkus, ang mundo (o earth) ay ang siyang gumagalaw - counterclockwise na paggalaw." Ang reference point natin dito ay ang espasyo ng kalawakan sa Sistemang Solar.
Karagdagang Impormasyon
Tingnan ang larawan sa sagot sa tanong dito: https://brainly.ph/question/25331988
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.