IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ayon Kay isagani Cruz at sa Ronda 2012 ano ano Ang mg anenipisyo ng K12 sa mga pilipino?​

Sagot :

Answer:

Ayon kay Isagani Cruz (2010) mayroong ilang mabubuting kadahilanan upang hindi natin tutulan ang kurikulum ng K-12. Ang layunin nito ay mapahusay ang pangunahing kurikulum ng edukasyon dito sa ting bansa. Ito ay makakatulong sa bawat mamamayang Pilipino dahil bawat isa ay nangagailangan ng dadagdag kaalaman sa pamamagitan ng pagdadagdag ng dalawa pang taon sa pag-aaral.

         Ang mga nakapagtapos ng K-12 curriculum ay maibibilang sa mga propesyonal sa ibang bansa. Kung ang mga Pilipino ay nakapagtapos sa K-12, hindi na nila kailangan mag-aral muli upang maabot ang pamantayan nila. Ayon sa Ronda (2012) ang K-12 ang magiging solusyon upang maibangon natin ang ating bansa mula sa mga kompetensya pagdating sa edukasyon. Sumusunod lamang tayo sa pandaigdigang pamantayan sa edukasyon. Kailangan nating makipagsabayan upang matulungan ang ating mga minamahal sa Pilipinas, at ang makapagtrabaho sa napiling larangan.

Ang ating bansa ay kinakailangan ipagpatuloy ang pagpapatupad ang programang K-12. Ito ay mag-aangat sa atin sa larangan ng edukasyon at ekonomiya ng bansa. Isa ito sa magiging susi sa mga isyung kinakaharap ngayon.

         Samakatwid, ang programang K-12 ay maraming benepisyong maaaring makamtan ng bawat Pilipinong mag-aaral. Ito ay maaring makatulong sa ating ekonomiya upang makabayad tayo ng utang sa ibang bansa.

HOPE IT HELPS! :))

#brainlyfast