IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang aytem.
_____1. Bakit naghangad ng bagong rutang panglakalan ang mga bansa sa Europe?
A. Dahil sa paglaki ng populasyon ng Europe.
B. Dahil nais nilang ipakalat ang Relihiyong Kristiyanismo.
C. Dahil nais nilang kumpetensiyahin ang iba pang mga bansa sa Europe.
D. Dahil sa pagsasara ng mga Muslim sa ruta ng kalakalang panlupa.
_____2. Alin sa mga sumusunod na salik ng paglalakbay ang tumutukoy sa hangarin ng
mga taong sumubok sa eksplorasyon na kumikilos para sa kanyang bansang
pinaglilingkuran?
A. Upang maipakalat ng Kristiyanismo sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
B. Maging tanyag ang kanyang bansa sa pagtuklas ng mga bagong lupain.
C. Hangad nilang magkaroon ng mga produktong mula sa Asia tulad ng mga pampalasa.
D. Nais nilang mapatunayan na may katotohanan ang mga tala ni Marco Polo.
____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa kolonyalismo?
A. Pagpapalawak ng mga lupain ng isang makapangyarihang bansa sa pamamagitan ng
pananakop.
B. Pagtuklas ng mga lupain upang pagkunan ng mga likas na yaman para matugunan ang
pangangailangan ng mga bansang nanakop.
C. Patakaran ng isang malaking bansa sa mas maliliit na bansa upang mapalawak ang
kanyang teritoryo.
D. Paglalagay ng mga baseng pangkalakal o pang militar sa mga bansang nasakop.
____4. Bakit nag-uunahan ang mga bansa sa Europe na makaimbento ng kagamitan sa
paglalayag?
A. Upang maging tanyag ang kanilang bansa na may ambag sa nasabing tagumpay ng
paglalayag.
B. Upang kumita ng mas malaking halaga na gagamitin sa paglilimbag ng mga bagong
kaalaman sa Europe.
C. Upang kilalanin ng simbahan sa kanilang mga nagawa.
D. Upang makaakit ng madaming manlalayag na bibili ng kanilang mga imbensiyon.
____5. Sa anong panahon sa kasaysayan naganap ang pagtuklas at panggagalugad ng
mga lupain?
A. Gintong panahon ng Greece
B. Panahon ng Midyibal o Gitnang panahon
C. Panahon ng Renaissance
D. Rebolusyong Siyentipiko
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.