Answer:
APAT NA URI NG TIMBRE NG TINIG
- soprano – Ito ang tawag sa pinakamataas na timbre ng tinig ng mga babae. Manipis ito at maliit. Kadalasang naaabot ang mataas na tono ng awitin ng isang babae kapag siya ay may boses soprano.
- alto – Ito ang tawag sa mababang timbre ng tinig ng isang babae. May kalakihan ang boses na ito at kung minsan ay halos tunog lalaki na kaya hindi naaabot ang mataas na tono ng awitin.
- tenor – Ito ang tawag sa mataas na timbre ng tinig ng mga lalaki. Naaabot ng taong may boses tenor ang matataas na tono ng awitin.
- baho/bass – Ito ang tawag sa mababang timbre ng boses ng mga lalaki. Ito ay makapal at kung minsan ay magaralgal.