IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
SAGOT!
1. Ang patakarang pisikal o fiscal policy ay tumutukoy sa pagbubuwis at paggasta ng pamahalaan na siyang nakakaapekto sa galaw ng ekonomiya.
[tex]\: \: \:[/tex]
2. Ang tatlong uri ng pag gasta ng pamahalaan ay 1. Government final consumption expenditure,2. Capital Spending, 3.Transfer Payment
[tex]\: \: \:[/tex]
3. May dalawang paraan ng pag-uuri sa buwis. Ang una ay ayon sa kung saan ito ipapataw at ang pangalawa ay ayon sa proporsiyon ng buwis na nilikom batay sa antas ng kita.
[tex]\: \: \:[/tex]
PALIWANAG
Ang patakarang piskal o fiscàl policy ay tumutukoy sa pagbubuwis at paggasta ng pamahalaan na siyang may malaking epekto sa galaw ng ekonomiya. Tuwirang naaapektuhan ng patakarang piskal ang pangkalahatang demand sa pamamagitan ng pagbili ng pamahalaan ng mga produkto at serbiyo. Samantala, di tuwirang naaapektuhan ng patakarang piskal ang demand sa pamamagitan ng mga buwis, na siyang nagpapabago ng disposable income.
[tex]\: \: \:[/tex]
PAGGASTA
Ang paggasta ng pamahalaan ay may tatlong uri:
- Government final consumption expenditure - ito ang paggasta ng pamahalaan sa mga produkto at serbisyo, tulad ng paggasta sa serbisyong medikal, edukasyon, at pasahod sa mga kawani ng pamahalaan.
- Capital spending - ito ay ang paggasta ng pamahalaan sa mga impraestraktura tulad ng mga kalsada, paaralan, tulay, at pagamutan.
- Transfer payment - ito ay ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan para sa mga pamilyang kapos ang kita sa pamamagitan ng cash transfer.
[tex]\: \: \:[/tex]
PAGBUBUWIS
Ang pagbubuwis ay nagmula sa karapatan ng pamahalaan na lumikom ng kontribusyon mula sa mga mamamayan, ari-arian, paggawa, karapatan o pribilehiyo. Ang buwis ay nililikom mula sa mga mamamayan, kaugnay ng kanilang kita, pamana, donasyon, ari-arian at iba pa. Sa buwis nagmumula ang salaping ginagamit ng pamahalaan sa paggasta nito. May dalawang paraan ng pag-uuri ng buwis. Ang una ay ayon sa kung saan ito ipapataw, at pangalawa ay ayon sa proporsiyon ng buwis na nililikom batay sa antas ng kita.
[tex]\: \: \:[/tex]
[tex]\: \: \:[/tex]
Para naman sa impormasyon ukol sa Expansionary Fiscal Policy at Contractionary Fiscal Policy maaaring bisitahin ang link sa ibaba:
- https://brainly.ph/question/514381
- https://brainly.ph/question/2072610
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!