IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

D. Panuto: Ano ang iyong aksyon sa bawat sitwasyong inilahad? Ibigay ang iyong mungkahing solusyon o hakbang na gagawin kapag ikaw ang nakaranas o nakasaksi ng mga sitwasyong inilahad sa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.

1. Madalas masira ang isang dike, na kahit kaunting ulan at agos pa lamang ng tubig sa ilog ay natitibag na ito. Napag-alaman mula sa mga residenteng naninirahan malapit sa lugar na iyon, na ang ilan sa mga manggagawa nito kabilang na ang nakatalagang contractor ay nag-uuwi ng ilang kagamitan tulad ng semento at bakal.

2. Ikaw ay isang kongresista at nabigyan ng malaking pondo para sa iyong nasasakupan. Anong proyekto ang bibigyan mo ng prayoridad? Bakit?

3. Marami sa mga Pilipino ngayon ang hindi nakapagtatrabaho nang maayos dahil sa pinagdaraan nating pandemya. Maraming mga OFW ang pinauwi at napilitang umuwi dahil hirap na rin ang kanilang sitwasyon sa ibang bansa. Kung ikaw ay isang pinuno ng iyong bayan, paano mo tutulungan ang iyong mga kababayan?​


Sagot :

Answer:

1. Bilang isang kabataan, mainam na ito'y ipagbigay alam sa mga opisyales ng lugar upang mabigyan aksyon ang mga ikinikilos nga mga manggagawa pati na din ng contactor. Mainam na sila ay pagsabihan muna at kung hindi pa din titigi, maghanap na lang ng bagong gagawa ng dike.

2. Bilang isang lingkod ng bayan uunahin ko ang kapakanan ng aking nasasakupan. Nais kong gamitin ang pondo sa livelihood programs para sa mga tao na walang trabaho lalo nna ngayong pandemya.

3. Bilang isang pinuno ng aking bayan ang tanging maitutulong ko sa kanila ay ang assistance sa kanilang pag-uwi at kung sila ay nakauwi na tulungan na makapag-umpisa ng buhay sa Pilipinas dahil napakalaki ng ambag ng ating mga OFW's sa ating bayan.

Explanation:

sana makatulong