Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
1. Hindi ka sumasang-ayon sa pagpapatupad ng “No face mask, no face shield, no entry”
sa mga establisyemento, ilang piling tindahan at mga mall. Paano mo ito sasabihin?
A. Bakit ba kasi nagpapatupad pa ng ganiyang batas?
B. E, di huwag na lang talagang pumasok sa mga mall o tindahan.
C. Siguro, makabubuti nga sa mga mamamayan ang batas na ito.
D. Gumamit na lang ng face mask at face shield pag pumasok sa mga mall.
2. Labag sa kalooban mo ang pagpapabakuna laban sa CoVid 19 dahil nangangamba ka
na maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan. Ano ang angkop na
sasabihin?
A. Para sa akin, hindi ako sumasang-ayon sa pagpapabakuna laban sa CoVid 19 lalo
kung may epekto sa kalusugan.
B. Hindi talaga maganda ang pagpapabakuna dahil may epekto ito sa katawan ng
tao.
C. Kung ayaw kong magpabakuna ay hindi naman ako mapipilit.
D. Nakakatakot talagang magpabakuna, huwag kayong pumayag.
3. Hindi ka sumasang-ayon sa Online Distance Learning na ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon dahil sa pandemya at ang gusto mo ay pumapasok araw-araw. Paano mo ipahahayag ang di-pagsang-ayon?
A. Wala naman akong magagawa kung iyan talaga ang ipatutupad.
B. Wala akong kompyuter at akses sa internet, hindi maganda ang Online Distance
Learning
C. Maganda naman talaga ang pumapasok at naririnig ang pagtuturo ng guro nang
personal.
D. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa rin ang personal kong nakikita at
naririnig ang pagtuturo ng aking guro.
4. May bagong proyektong inilalatag ang inyong SSG. Hindi mo gusto ang mga
platapormang inihahain. Isa kang kasapi ng samahan. Paano mo dapat sabihin ang
pagsalungat?
A. Sa nakikita, magkakaroon tayo ng problema sa bagay na ito, maaari ba nating
rebyuhin ang proyekto?
B. Pag-isipan muna ninyong mabuti ang proyekto baka magsisi tayo sa bandang huli.
C. Hindi makabubuti sa nakararami ang proyektong balak na ipatupad.
D. Huwag ninyo na ako hingian ng opinyon sa bagay na iyan.
5. Nag-uusap ang mga kaibigan mo hinggil sa problema nila sa pag aaral sa panahon ng
pandemya. May hindi ka sinasang-ayunan sa desisyon ng isa sa kanila. Paano mo ihahayag ang iyong opinyon o pananaw?
A. Mag-usap nga kayo nang maayos para magkaintindihan kayo.
B. Makinig kayo sa akin, may maganda akong solusyon sa inyong problema.
C. Ikinalulungkot ko na isa sa inyo ay may dapat pag-isipan bago magdesisyon.
D. Kakampihan ko muna ang isa sa inyo, para mas maging matibay ang desisyon
niya.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.