IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Ano ang naging pagtugon sa mga pangangailangan ng mamayang pilipino sa panunungkulan ni Elpidio R. Quirino.

Sagot :

Answer:

Nang umupo bilang ika-anim na pangulo si Elpidio Quirino ang bansa ay nasa kritikal na kalagayan sa kabuhayan, pulitika at lipunan. Narito ang mga naging suliranin ng dating pangulong Elpidio Quirino:

1. Pagsugpo sa banta ng komunista sa bansa.

2. Pagbabalik ng tiwala ng taong bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaang nawala dahil sa malawakang kabulukan at katiwalian noong panahon ni Roxas.

3. Pagpigil sa ginagawang panliligalig ng mga kasapi ng Huk.

4. Pag-angat ng kabuhayan ng bansa.

Sino si Elpidio Quirino?

Si Elpidio Quirino ang ika-anim na pangulo ng bansang Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Anak siya nina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Namuno siya bilang pangulo ng bansa mula 1948 hanggang 1953.

Mga nagawa ni Elpidio Quirino bilang isang Pangulo

1. Itinatag niya ang PACSA (Presidential ActionCommittee on Social Amelioration) upang matulungan ang mahihirap at mga nangangailangan.

2. Pinagtibay ng pamahalaan ang batas sa pinakamababang sahod na nagtatakda sa mga manggagawa, guro at iba pang kawani ng pamahalaan.

3. Itinatag din noong ika-3 ng Enero 1949 ang Central Bank of the Philippines upang maging matatag ang pananalapi.

4. Itinatag ang ACCFA (Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration ) upang tumulong sa magsasaka na maipagbili ang kanilang mga produkto.

5. Paglagda ng kasunduang Quirino – Foster na naglalayong isulong ang pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika sa pagpapaunlad ng bansa.

6. Mutual Defense Act ng 1949.

7. Ang pagpapanumbalik ng pagtitiwala ng mga tao sa pamahalaan, kapayapaan at kaayusan sa bansa sa pamamagitan ng mabuting pakikitungo sa mga Huk ay ang pangunahing naiambag ni Pangulong Quirino.

8. Pinasimulan niya ang kampanya Laban sa mga Huk.

9. Itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka,at mga industriya.

10. Unti-unting napasuko ang mga Huk kabilang na ang pinuno nitong si Luis Taruc.

11. Itinatag ng Pang. Quirino ang Economic Development Corps (EDCOR) . Sa ilalim ng programang ito, lahat ng susukong kasaping Huk ay bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.

12. Pagpapatayo ng mga bangko rural na nagpapautang ng kapital sa mga magsasaka.

13. Pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan sa pamamagitan ng radyo at pahayagan ukol sa mga gawain ng kaniyang administrasyon.

14. Pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang transportasyon partikular na ang mga farm to market roads.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Mga batas ni elpidio quirino:brainly.ph/question/97721

Answer:

1. Elpidio Quirino Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953 “Ang una kong tungkulin ay ang pagpapanumbalik ng katahimikan at kaayusan at ang tiwala sa pamahalaan. Ang pangalawa ay ang pagbibigay ng kaginhawaan sa mga mamamayang nasa magulong pook”

2. Hindi pa natatapos ang panunungkulan ni Roxas nang siya’y mamatay. Patuloy pa rin ang suliraning kanyang sinikap lutasin. Ito ang namana ni Elpidio Quirino nang siya ay manumpa bilang pangulo ng Republika. Sinuri ni Quirino ang kalagayan ng bansa upang maging batayan ng palatuntunan ng kanyang pamahalaan at nalaman niya…

Explanation:

sana makatulong