IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at pangkomunidad na mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Si Pagong Isang araw, si Nanay na pagong at ang anak niya ay masayang lumangoy at nakakita sila ng mga lawing lumilipad. "Lalong mainam sana kung marunong akong lumipad. Makararating ako sa iba't ibang dako. Ang ibang maliliit na pagong ay maiinggit sa akin," ang sabi ng anak na pagong. "Para sa akin, tama na para sa mga pagong na tulad natin ang marunong nang lumangoy. Kaya, huwag ka nang maghangad na makalipad sapagkat wala ka namang pakpak," tugon ng Nanay na pagong Nguni't si Munting Pagong ay hindi nasiyahan. Sumigaw siya nang malakas. "Mag-asawang Lawin! Kung tunay kayong mababait, isama ninyo ako sa paglipad sa himpapawid!”. Narinig siya ng mag-asawang lawin. Bumaba ang mga ito at kinausap si Munting Pagong. "Isasama ka namin sa itaas, nguni't sundin mo ang ipag-uutos namin sa iyo," sabi ng babaeng lawin. "Opo, susundin ko po kayo!" sagot ni Munting Pagong. "Hahawakan naming mag-asawa ang patpat na ito. Kakagat ka sa patpat. Tandaan mo. Huwag kang magsalita. Mahuhulog ka sa lupa kapag binuksan mo ang iyong bibig!” “Opo! Gagawin ko pong lahat ang ipinag- uutos ninyo,” ang pangako ng Munting Pagong. Nasa himpapawid na sila. Tuwang-tuwa si Munting Pagong. Kitang- kita niya ang Nanay niyang pagong at iba pang maliliit na pagong na tumitingala sa kanya. Ibig niyang ipagmalaki ang kanyang paglipad sa itaas nang bigla itong magsalita, “Hoy, maliliit na pagong! Hindi ba kayo naiinggit sa akin?" ang sigaw nito at bigla itong nahulog. Basag ang katawan niyang bumagsak sa lupa, sa harapan ng mga kaibigan niyang pagong​