IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Pangkat Etniko sa Mindanao
1.Badjao
Ang mga Badjao ay matatagpuan sa Zamboanga at Sulu kung saan sila ay nakatira sa ibabaw ng tubig sa baybaying dagat kaya naman binansagan silang Sea Nomads o Sea Gypsies. Bukod dito, mahusay rin sila sa paglangoy kaya isa sa mga pangunahin nilang kabuhayan ay ang laman dagat.
2.Yakan
Ang pangkat naman ng Yakan ang pinaniniwalaang kauna-unahan sa mga etniko sa Pilipinas na nanirahan sa Basilan. Malaking bahagi ng kultura ng Mindanao ang mga Yakan dahil sa ambag nito gaya ng paghahabi at kanilang tradisyunal na kasuotan na Semmek.
3. B'laan
Naninirahan ang mga B’laan sa South Cotabato at Davao del Sur. tanyag sila sa paggawa ng kasuotang mula sa abaka, mga ornamentong bass, at beads.
4.Maranao
Ang pangalang Maranao ay hango mula sa lawa ng Lanao del Sur at Lanao del Norte. Sila raw ang nagpauso ng mahahabang kasuotan gaya ng malong.
5. T'boli
Kilala rin ang mga T’boli dahil sa kanilang magaganda at makukulay na tradisyunal na kasuotan na hinabing T’Nalak. Bahagi rin ng kanilang tradisyunal na kasuotan ay ang pagsusuot ng madaming makukulay na kwintas. Ang pangkat T’boli ay naninirahan sa South Cotabato at Sultan Kudarat. Isa rin sa pangunahin nilang kabuhayan ay ang pagsasaka.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.