IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.
Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa siya.[1][2] Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.[1]
Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.[1]
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.