Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

ARTS Panuto: Gumawa ng placemat gamit ang disenyong etniko sa paraang crayon resist/transfer technique. Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa nito. Mga Kagamitan: lapis, gagamiting pangkulay o krayola, cartolina o recycled cardboard, watercolor, paint brush, ruler, marker Mga Hakbang sa Paggawa 1. Ihanda ang mga kagamitan. 2. Pumili ng disenyo na makikita sa mga kagamitan, kasuotan at palamuti ng mga pangkat-etniko. 3. Iguhit ang mga napiling disenyong etniko patterns sa recycled paper. 4. Ilipat ito sa kartolina o cardboard. 5. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit ng krayola sa papel upang hindi matakpan ng watercolor. 6. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamamaraang crayon resist. 7. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang madilim na kulay para lumitaw ang kagandahan ng disenyong iginuhit at kinulayan ng krayola. 8. Patuyuin ito.​