IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:alimbawa ng Paghihimig
Sumakit ang tenga namin sa malakas na potpot ng dumaang bus.
Nagising ang bata dahil sa ngumingiyaw na pusa sa ibabaw ng bubong.
Napakasarap pakinggan ng twit twit ng ibon tuwing umaga.
Naririnig ko ang kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba.
Ang lagasgas ng batis at sipol ng hangin ay nakapagpapagaan ng pakiramdam.
Ano ang paghihimig?
Ang paghihimig ay tinatawag din na onomatopeya. Ito ay isang uri ng tayutay. Ito ang paggamit ng kaugnay na tunog o himig ng mga salita. Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. Sa Ingles, ito ay onomatopeia.
Tandaan na pagdating sa paghihimig ay dapat angkop ang gagamitin na tunog o himig sa salitang iniuugnay. Madali lang naman ito dahil ang bawat bagay naman ay may angking tunog o himig. Hindi mo maaaring gamitin ang himig na potpot kung ang tinutukoy mo ay huni ng ibon. Ang mga salita ay dapat may kaugnayan. Ito narin ay upang makapaglahad ng maayos at malinaw na kahulugan.
Bukod sa mga nabanggit sa itaas, narito pa ang ilang tunog o himig na ginagamit sa paghihimig:
alingawngaw
bang-bang
pagaspas
tahol
tik-tak
bang-bang
Explanation:
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.