IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ANO ANG IBIG SABHIN NG SALITANG BANAL?​

Sagot :

Nangangahulugan ang Kudus na ihiwalay (nakatalaga) o putulin mula sa, ginagamit para sa estado ng pagkakahiwalay ng isang tao o bagay (upang magamit ito ng Diyos, at sa gayon ay ng estado ng tao o bagay na pinakawalan). Ang salitang sagrado ay nangangahulugan na ang isang bagay na iniisip ay isang mahalagang katangian ng Diyos at ng tao.

Answer:

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Banal?

Ang sagot ng Bibliya

Ang pagiging banal ay tumutukoy sa pagiging hiwalay sa karungisan. Ang salitang Hebreo na isinaling “banal” ay nagmula sa isang terminong nangangahulugang “hiwalay.” Kaya ang isang bagay na banal ay inihiwalay at ibinukod mula sa karaniwang gamit, o itinuturing na sagrado, lalo na dahil ito ay malinis at dalisay.

Ang Diyos ay banal sa sukdulang antas. Sinasabi ng Bibliya: “Walang sinumang banal na gaya ni Jehova.” * (1 Samuel 2:2) Kaya ang Diyos lang ang may karapatang magtakda ng pamantayan ng kabanalan.

Ang salitang “banal” ay puwedeng ikapit sa anumang bagay na may tuwirang kaugnayan sa Diyos, lalo na sa mga bagay na ibinukod para sa pagsamba. Halimbawa, binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa:

Mga dakong banal: Malapit sa nagniningas na palumpong, sinabi ng Diyos kay Moises: “Ang dakong kinatatayuan mo ay banal na lupa.”—Exodo 3:2-5.

Mga banal na kapistahan: Sinamba ng sinaunang mga Israelita si Jehova sa “mga banal na kombensiyon,” relihiyosong mga kapistahan na regular nilang idinaraos.—Levitico 23:37.

Mga banal na kagamitan: Ang mga bagay na ginagamit sa pagsamba sa Diyos sa sinaunang templo sa Jerusalem ay tinawag na mga ‘banal na kagamitan.’ (1 Hari 8:4) Ang mga kagamitang iyon ay kailangang ituring nang may paggalang, pero hindi kailanman dapat sambahin. *

Explanation: