Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Ang Munting Ibon (Kuwentong-bayan mula sa Mindanao)

(hindi maayos na sagot - report)​


Sagot :

Answer:

nasa Deped T. V Grade 7 kwentong bayan ng munting ibon

Explanation:

manood ka ayusin mo pag aaral mo sayang gradeso(〃^▽^〃)o

Answer:

"Ang Munting Ibon" ay isa sa kalipunan

ng mga kwentong-bayan ng Agamaniyog

sa lalawigan ng Lanao sa Mindanao. Ang

Agamaniyog ay kalimitang ginagamit na

tagpuan sa mga kwentong-bayan ng

Maranao kahit na wala naman ganitong

lugar sa nasabing lalawigan.

Noong unang panahon ay may

mag-asawang nakatira sa isang

malayong bayan ng Agamaniyog. Sila ay

sina Lokes a Babay at Lokes a Mama.

Pangangaso ang ikinabubuhay nila. Bago

sumapit ang dilim ay

inilalagay ng mag-asawa ang kanilang

mga bitag sa gubat. Binabalikan nila

ang mga ito tuwing madaling-araw.

Habang mahimbing na natutulog si Lokes

a Babay, dahan

dahang lumabas ng bahay si Lokes a

Mama upang tingnan ang kanilang mga

bitag.

Nagulat sya ng makitang nakahuli ang

kanyang bitag na nakasabit sa puno ng

isang munting ibon, samantalang ang

bitag ng asawa na nasa lupa ay nakahuli

naman ng isang malusog na usa. Hindimatanggap ni Lokes a Mama na isang

munting

ibon lamang ang kanyang nahuli, kaya

naman naisip nyang pagpalitin ang mga

ito. Umuwi syang nasiyahan sa kanyang

ginawa.

Kinabukasan ay nagtungo ang

mag-asawa upang tingnan ang

kanilang mga bitag. Gulat na gulat

si Lokes a Babay nang makita ang

matabang

usang nakasabit sa bitag ng kanyang

asawa. Ipinagataka nya iyon, ngunit hindi

nlang sya kumibo. Iniuwi nya ang

munting ibon at inilagay sa isang hawla.

Samantala, iniuwi ni Lokes a Mama ang

kanyang nahuling usa at iniluto ito.

Matapos makapagluto ay agad nya

itong kinain na hindi man lang inaya ang

asawa.

-

Kinain nyang mag – isa ang usa sa loob

ng tatlong araw. Likas kay Lokes a Mama

ang pagiging maramot at walang

pagpapahalaga sa asawa.

Nang maubos na ulit ang nilutong usa ay

nagyaya muli siLokes a Mama na maglagay ng bitag.

Hatinggabi nang namalayan ni Lokes

a Babay na bumangon at lumabas ng

pinto ang asawa. Nagkuwari lang syang

tulog.

Alam ni Lokes a Babay na niloloko sya ng

kanyang asawa, ngunit wala syang

intensyong sundan ito. Nakatulog syang

masama ang kanyang loob.

Napanaginipan ni Lokes a Babay na

nangitlog ang alagang

munting ibon ng montias (mamahaling

hiyas). Pinuntahan nya ang munting ibon

at

ipinatuka ang palay. Gayon nlang ang

kanyang pagkagulat nang makitang

biglang

nangitlog ito ng isang maningning na

dyamante.

Gaya ng dati, pag-uwi ni Lokes a Mama

ay iniluluto nito

ang nahuli at kumakain na hindi nag

-aalok. Hindi na ito pinapansin ni Lokes

a Babay, bagkus masaya nalang syang

humuhuni ng paboritong himig at

gumagawa sabahay na ipinagtataka ng kanyang

asawa.

Araw-araw tuwing umaalis si Lokes a

Mama ay pinapakain ni lokes a Babay

ang kanyang munting ibon at hinihintay

ang ilalabas nitong

dyamante. Hindi na nya namalayan

na marami na pala syang naiipong

dyamante.

Isang araw, nagdesisyon si Lokes a

Babay na makipaghiwalay na

sa kanyang asawa. Sinabi nya ang

lahat ng kanyang sama ng loob kay

Lokes a Mama,ngunit hindi man lang ito

tumingala mula sa pagkain ng nahuling

pato. Nakonsensya naman ang lalaki

dahil sa totoong lahat ang sinabi ng

asawa, ngunit ito ang matagal na nyang

hinihintay.

Nag-impake na si Lokes a Babay. Dala

ang kanyang mga gamit at

ang pinakamamahal na ibon ay umalis

na sya sa kanilang bahay. Naiwan si

Lokes a Mama na nagpatuloy lamang sakanyang pangangaso. Samantala, bumili

si Lokes a Babay ng isang malawak na

lupain at nagpatayo ng isang torogan o

malapalasyong

tahanan. Mayroon rin syang mga

gwardya at mga katulong na magsisilbi

sa kanya.

Nabalitaan ni Lokes a Mama ang

napakagandang kalagayan sa buhay ng

dating

asawa. Nagplano sya na balikan ang

asawa upang makinabang rin sa

kayamanan nito.

Subalit napaghadaan na ni Lokes a

Babay ang posibleng plano ni Lokes a

Mama.

Ibinilin nya sa mga gwardya na hindi

hahayaang makalapit ito sa kanyang

tahanan.

Magmula noon, namuhay sa bayan ng

Agamaniyog si Lokes a Babay nang

tahimik at maligaya.

Ang aral sa kwentong ito ay ang

pagbibigay halaga sa samahan

ng mag-asawa. Kailangan ng

pagmamahal, pagtutulungan, pagiging

totoo at pang

unawa upang mapatatag ang samahan.

Kung wala ito ay unti-unting masisiraang pagsasama ng mag-asawa. Ang

taong

tuso at maramot ay hindi kailanman

magiging masaya.

(I hope that's the answer but correct me if I'm wrong)