IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Sukatin Gawain 1: Opinyon o katotohanan, Suriin Mo! Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Bilugan ang pangungusap na nagpapahayag ng opinyon at ikahon ang mga pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan. 1. Ang mga gulay at prutas ay nagtataglay ng iba't ibang bitamina at mineral. Naniniwala ako na kapag kumain ka ng mga prutas at gulay ay maiiwasan mo ang pagkakasakit. 2. Sa nakikita ko, marami sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo namang nagpapatuloy ang bullying. Upang masugpo ito, ay naglunsad ang pamahalaan ng “Anti-Bullying Act." 3. Ayon sa mga tagaroon maraming maaaring gawin sa Isla ng Boracay, kagaya na lamang ng paggawa ng kastilyong buhangin at sumakay sa banana boat. Pakiramdan ko ay natupad ko na ang aking pangarap sa buhay nang magtungo kami sa isla ng Boracay. 4. Gabi noong ika-7 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani. 5. Pakiwari ko'y napakahirap intindihin ng nobelang Noli Me Tangere dahil sa may kahabaan ang nobelang ito. Si Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani ang siyang sumulat nito.​