Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Maniniwala ka ba na ang mga kabataang Filipino ngayon, kahit na kami'y rebelde, suwail, magastos at minsa'y walang pakialam, ay nag-iisip din kung ano ang dapat naming gawin upang umangat sa buhay? Maniwala ka. Kami'y nag-iisip din ng paraan para hindi tumunganga na lamang sa aming pagtanda.
Tama, may mga pagkakamali kaming nakamit. Hindi mo ito mabibilang at madalas ang mga pagkakamaling ito ay nagdudulot ng walang kapantay na sakit at sama ng loob sa aming mga magulang. Dulot pa nito'y dagdag-rebelde kapag napagalitan o napagsabihan lamang. Inaamin ko, kami'y mga batang umaarteng alam na ang lahat, ayaw naming magpadaig at mapagalitan. Sino bang nais na laging pinapagalitan? Alam naman namin na para sa amin iyon. Madalas, maririnig mo na masyadong mapagtuklas at agresibo ang mga kabataan ngayon dahil sa paningin na hindi ka in kung hindi mo kahit minsan ma'y suwayin ang mga magulang mo. Sabi ng ating pambansang bayani, Ang kabataan ang pag-asa ng Inang Bayan. Pero sino pa ba ang natira na naniniwala sa matagal nang kasabihang iyon? KAMI.
Rebelde ang IBANG kabataan. Bakit nga ba? Ang paghithit ng rugbee, pampalipas-gutom ng mga mahihirap at pagsinghot ng marijuana sa mga kabataang gustong matanggap ng iba. Nakaka-high! sa mga salita ng isang binatilyong minsa'y sumubok at habang panahong nalulong. Suriin natin ang paligid ng mga kabataang ito. Sa squatter's area na lamang, halimbawa, ang paligid doo'y hindi kaaya-aya, pugad ng krimen at mga nagdodroga. Ang kapaligiran ay isang malaking salik at mas lalo na ang mga tao roon. Kilala mo ba si Eminem? Isa siyang sikat na rapper, sa Amerika at maging dito sa Pilipinas. Madaming umiidolo sa kanya at maging sa kanyang mga kanta. Pero kung naiintindihan mo ang mga liriko ng kanyang mga kanta ay makikita mong siya'y biktima ng isang madilim na nakaraan. Ano bang gagawin mo kung makikita mong binubugbog ng iyong ama ang iyong ina? At ang iyong ina, sa harap mo'y umiinom ng kung anu-anong gamot na ikinalulong niya? Naging magulo ang buhay ni Eminem noong kabataan niya at kita pa rin sa kanya ang hindi naghihilom at masaklap na sugat ng nakaraan. Ngunit siya'y halimbawa ng isang mabuting ama. Ibinubuhos niya sa kanyang anak na babae ang kanyang pagmamahal, at kitang ayaw niyang maranasan nito ang karanasang hindi na niya nais pang maalala.
Explanation:
#MAG-ARAL NG MABUTI
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.