Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Panuto: Basahin ang talata, pagkatapos pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paglagay ng titik A-E sa mga patlang. Gawin ito sa inyong kwaderno. Mga Ninuno ng Unang Pilipino Ayon sa teorya ng “Wave Migration” ni Henry Otley Beyer, dumating sa Pilipinas ang pangkat -pangkat ng mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Batay rito, ang unang dumating ay ang mga Negrito. Naglakbay sila sa mga lupaing tulay mula sa kalupaang Asya nang may 25,000 na ang nakalilipas. Sinundan sila ng mga Indones/ Indonesian sakay ng mga bangka. Dumating sila ng may 5,000 taon na ang nakalipas. Sila ay may permanenteng tirahan at higit na maunlad ang pamumuhay kaysa mga Negrito. Pagdating nila, pumunta sa kabundukan ang mga Negrito. Ang pangatlong pangkat na dumating sa ating bansa ay ang mga Malay, mga 2000 taon na ng nakalipas. Dumating sila sa pamamagitan din ng mga bangka. Sa tatlong pangkat ng mga taong dumating sa ating bansa, mga Malay ang may pinakamaunlad na uri ng pamumuhay. Ang migrasyon/migration ng mga tao galing sa iba’t ibang panig ng Asya ay naging tulay upang sila’y tawagin nating mga unang Pilipino na ating mga ninuno. 1. _____ Huling dumating ang mga Malay. 2. _____ Sumunod na dumating ang mga Indones o Indonesian. 3. _____ Umakyat sa kabundukan ang mga Negrito. 4. _____ Ang tatlong pangkat ng mga taong ito ang pinagmulan ng mga Pilipino. 5. _____ Unang dumating sa Pilipinas ang mga Negrito.​