IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:1.Alamin ang paksa ng isasalin. Magbasa o magsaliksik upang mapag-aralan ito at magkaroon nang mas malawak na kaalaman sa paksa ng tekstong isasalin
2.Tiyaking nauunawaan mo ang nilalaman ng teksto sa lebel na halos kakayanin mo nang ipaliwanag o muling isalaysay kahit pa wala ang orihinal sa iyong harapan. Gayunpama’y tandaang hindi ka basta magpapa-paraphrase kundi magsasalin kaya hindi mo dapat baguhin, palitan, o bawasan ang ideya o mensahe ng iyong isinasalin.
3.Tandaang ang isinasalin ay ang kahulugan o mensahe at hindi lang mga salita. Makatutulong ang malawak na kaalaman ng isang tagapagsalin sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan. Hindi kasi sapat na basta tumbasan lang ng salita mula sa pinagmulang teksto ng isa ring salita sa pagsasalinang wika dahil literal lang ang kalalabasan ng pagsasalin at maaaring hindi mapalabas ang tunay na diwa ng isinasalin.
4.Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa. Mainam kung ang mga salitang gagamitin ay lubos mong nauunawaan ang kahulugan at tiyak na mauunawaan din ng mga mambabasa upang higit na maging natural o malapit ang orihinal sa salin.
5.Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong nagsasalita ng wika ang iyong isinalin. Makatutulong nang malaki ang pagpapabasa ng isinalin ng isang taong eksperto o katutubong nagsasalita ng wikang ito upang mabigyang-puna niya ang paraan ng pagkakasalin at masabi kung ito ba’y naaangkop na sa konteksto ng isang taong likas na gumagamit ng wika.
Explanation: I HOPE ITS HELPS !
TY FOR THE POINTS !
BRAINLEST ME !
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.