Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
I
Nakalimutan mo na bang ako’y iyong itinanim
Nang minsan ikaw ay walang makain?
Kay tagal mong nag-intay ikaw man ay nainip
Panahon na lumipas ako’y di mo man lang sinilip.
II
Ako ay mag-isang lumalaki na ayon sa kapalaran,
Ikaw ay nainip, bumaling sa ibang halaman.
Hindi ko kaagad naihandog sayo ang aking prutas
Ikaw ay nagtampo, sa ibang puno ka namitas.
III
Marami kami ngayon na naglipana sa gubat,
Tignan mo muna ang hawak mong patpat.
Sa akin ba galing yang hawak mo?
O napapaisip lang ako ng todo-todo.
IV
Ang sa akin lang naman munting kaibigan
Maaari sana’y mga kababayan mo ay pagsabihan.
Putulin man nila kami ng walang habas
Palitan naman ng bagong punlang pupungas-pungas.
V
Inalagaan ka ng iyong inay tama ba ako?
Sana’y madama mo na ganoon din ang nais ko.
Mumunti ako noon sa iyong paningin,
Sa paglipas ng panahon ako’y iyong titingalain.
Title ng Tula ay "Puno at Ikaw"
Explanation:
I Hope It Helps Po
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.