IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
[tex] \large\sf{DIRECTIONS:} [/tex]
⊱┈──────────────────────┈⊰
1939: ANG PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
- Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito.
Tinangka rin niyang kunin mula na Polanal ang Baltic Port at ang Polish Corridor. Tumaggi ang Pulanal kayat nagkakrisis. Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal. ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan.
1940: ANG DIGMAAN SA EURUPE
Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nagabang sa likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban. Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at Luxembourg. Binomba ng
mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at tulay. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk.
- Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan ay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
1941: ANG UNITED STATE AT ANG DIGMAAN
Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong 1941. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na "pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa."
⊱┈──────────────────────┈⊰
1942: ➝ Tuluyang nasakop ang Maynila Noong ika-2 ng Enero 1942
Ang pinakahuling pananggalang ng Demokrasya ang Bataan at ang Corrigidor. Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga hapones sa Thailand, British, Malaya, Hong Kong
Guam at wake islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa pasipiko noong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-postrity sphere.
⊱┈──────────────────────┈⊰
1943: ➝ Tagumpay ang Alyadong Bansa sa Eurupe sa at Hilagang Africa Taong 1943 ng magsimulang magbago ang ihip ng Digmaan para sa Alyadong Bansa.
⊱┈──────────────────────┈⊰
1944: ➝ Noong ika 6 ng Hunyo 1944 ang hukbong alyado at lumapag at dumaong sa Normandy.
⊱┈──────────────────────┈⊰
1945: ➝ Pagtapos sa mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idinekrala Ni Heneral McArthur ang kalayaan ng pilipinas mula sa mga hapones
⊱┈──────────────────────┈⊰
#CarryOnLearning
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.