Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
Si Douglas MacArthur (Enero 26, 1880 - Abril 5, 1964) ay isang bantog na Amerikanong heneral na naglingkod noong Unang Digmaang Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at Digmaang Koreano. Ipinanganak siya sa Little Rock, Arkansas.[1] Umako siya ng isang malaking gampanin sa Pasipiko noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Siya ang inatasang mamuno sa pagsalakay sa Hapon noong Nobyembre 1945 ngunit tinanggap niya ang pagsuko ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Siya ang naging superbisor ng Hapon mula noong 1945 hanggang 1951 at ang gumawa ng mga demokratikong reporma sa bansang iyon. Siya ang namuno sa mga hukbo ng Nagkakaisang Bansa na nagtanggol sa Timog Korea noong 1950-1951 mula sa pagsalakay ng Hilagang Korea, noong panahon ng Digmaang Koreano.[2]
Explanation:
Nagretiro mula sa tungkulin si MacArthur sa utos ni Pangulong Harry S. Truman ng Estados Unidos noong Abril 1951. Namatay siya sa Washington, D.C. noong 1964.[1]
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.