Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Mga katutunbong' Aeta' ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera
Explanation:
Sana makatulong Pabrainliest hehe
Answer:
Tinguian- Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay sila ng tatu at itim sa ngipin upang akitinang napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng isang asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang pagtataksil sa asawa.
Kankanai- Pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng Hilagang Luzon. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Kadalasan ang Kadangyan na tradisyonal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan.
Kalinga- Matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahalaga sa kanila ang mga palamuting alahas sa buong katawan. Maaari silang magkaroon ng higit sa isang asawa. Bilang mandirigma at mamumugot, ginagawa nila ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang makaiwas sa digmaan.
Ivatan- Matatagpuan sa Batanes. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. Madalas dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang kanilang bahay na yari sa bato, kogon at apog. Pangunahing ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim ng mga halamang-ugat.
Isneg- Kilala rin sa tawag na Ina-gang na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Ang pamayanan nila ay matatagpuan sa mga matarik na dalisdis at mababang burol na malapit sa ilog. Bigas ang pangunahing pagkain nila at ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, ilog at gubat.
Ifugao- Matatagpuan sa gitnang bahagi ng Luzon. Galing sa salitang “Ipugo” na ang ibig sabihin ay “mulasa mga burol” sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa nila ito sapamamagitan ng kanilang kamay. Mga kubong kuwadrado ang kanilang tipikal na pamayanan.
Ibaloi- Matatagpuan sa Timog Silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloi ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense. Masisipag na magsasaka at may mga batas na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal, diborsyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala din nila ang Pambansang Pamahalaan.
Gaddang- Tinatawag ding Iraya ang pangkat na ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at Isabela.Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang makipaglaban kung kinakailangan. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay nila.
Aeta- Pandak, maitim, kulot ang buhok, itim ang mga mata, pango ang ilong at nakahabag. Pinaniniwalaang ang mga Negrito o Ita ay ang mga pinakaunang tao sa Pilipinas. Ang pangangaso at kaunting kaalaman sa pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay nila.
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.