Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Sa loob ng tahanan, hindi maiiwasan na may mapag-usapan na isyu sapagkat ito ang kinakaharap ng mga anak. Marahil ay hindi ito masabi ng mga anak dahil mas gusto nila na ilihim ang mga ito. Pero kahit ganoon, kailangan malaman ng mga magulang ang mga isyu para makapagbigay sila ng mga payo na makakatulong.
Isyu na napag-usapan sa loob ng pamilya kasama ang anak at magulang:
Problema may kinalaman sa pagiging pabaya sa pag-aaral
Isa lamang ito sa isyu na maaaring mapag-usapan sa ating tahanan. Marahil mapapansin dito ang kapabayaan ng anak sa kaniyang mga gawain at takdang aralin sa eskuwelahan. Na nakikita ito mismo sa kaniyang pagkilos at paggawi kung ano ang priyoridad niya. Naoobserbahan mismo ng bawat miyembro ng pamilya natin kung tama o mali ang ating ginagawa. Kaya, kung mapansin man ito ng mga magulang natin, makipagtulungan sa kanila na mabigyan ng solusyon sa isyung kinakaharap mo bilang isang anak. Huwag balewalain ang tulong nila kung posible.
Ang mga isyu ay nagdudulot ng malaking epekto sa buhay ng bawat tao. Maaari itong magbigay lungkot at balisa sa isa kung ito ay mananaig sa buhay niya at hindi hihingi ng tulong. Huwag sarilinin ang mga bagay na ito sapagkat tayo mismo ang sangkot sa bagay na ito. Ipakipag-usap ito sa ating pamilya at huwag na huwag tayong mahihiyang magsabi sa kanila sapagkat hangad nila na matulungan tayo at hindi mauwi sa kapahamakan. Isa pa, kung may kinakaharap na isyu, maghanap ng mga paraan upang mapagtagumpayan ang mga ito at huwag itong patagalin pa.
Para sa mga magulang, sikapin nila na makipag-usap lagi sa kanilang mga anak upang malaman mismo kung ano ang isyung napapaharap sa kanila. Huwag pabayaan ang bagay na ito sapagkat hindi lang ang anak ang apektado kundi ang buong pamilya. Kaya tulungan ang mga anak upang maagapan ang mga posibleng problema na maaari magdulot sa kanila habang sila ay lumalaki.
Naisin mo pa bang makapagbasa ng higit? Maaari kang bumisita pa dito sa mga link na ito:
Isang halimbawang isyu na maaaring mapag-usapan sa loob ng pamilya: brainly.ph/question/25865834
Ilan sa mga halimbawa na mga isyu sa loob ng pamilya at maging sa lipunan: brainly.ph/question/636440
#BrainlyEveryday
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.