Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Ano Ang Popular Na Panitikan?
Ang panitikang popular ay isa sa mga makabagong anyo ng panitikang naglalarawan sa pamumuhay ng mga madla sa kasalukuyang panahon. Makikita dito ang mga paghihirap, kasiyahan, at iba pang kaganapan sa iba’t-ibang mga lipunan.
Kasama sa katangian ng panitikang popular ay ang pagsunod sa agos ng panahon at pagkakaroon ng malayang sining. Ang mga halimbawa ng panitikang popular ay pelikula, komiks at radyo. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa kung ano ang panitikang popular ay narito.
Heto pa ang karagdagang mga halimbawa:
∆ Pelikula
∆ Komiks
∆ Radyo
∆ Animasyon
∆ Korean novels
∆ Korean Drama
Dati, ang mga panitikan ay nagpapakita ng mga magagarang pamumuhay, malalaking mga mansyon at iba pa. Ngunit, sa panahon ngayon, mas may gusto na ang mga tao sa mga simpleng pagpapakita ng tunay na pamumuhay.
Kaya naman, naging sikat ang mga drama na may kinalaman sa mga buhay ng ordinaryong tao, o mga kwentong mas madaling mauugnay sa buhay ng madla.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.