IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.
Sagot :
Answer:
Paano Tayo Makapaglilingkod
Isipin ang mga paraan kung paano nakapaglingkod ang mga tao sa inyo at sa mga miyembro ng inyong pamilya.
Sabi ni Jesus, “Ako’y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod” (Lucas 22:27). Bilang tunay na mga tagasunod ni Jesus, kailangan din tayong maglingkod sa iba.
Ang paglilingkod ay pagtulong sa iba na nangangailangan ng tulong. Ang paglilingkod na katulad ng kay Cristo ay nagmumula sa tunay na pagmamahal sa Tagapagligtas at pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong binigyan Niya tayo ng pagkakataon at direksiyon na tulungan. Ang pagmamahal ay higit pa sa damdamin; kapag mahal natin ang iba, nais natin silang tulungan.
Lahat tayo ay kailangang handang maglingkod, anuman ang ating kinikita, edad, o katayuan sa lipunan. Naniniwala ang ilang tao na mahihirap at mga hamak lamang ang dapat maglingkod. Iniisip ng iba na ang paglilingkod ay dapat ibigay ng mayayaman lamang. Ngunit iba ang itinuro ni Jesus. Nang hilingin ng ina ng dalawa sa Kanyang mga disipulo na kilalanin Niya ang kanyang mga anak sa Kanyang kaharian, sumagot si Jesus, “Ang sinomang magibig na dumakila sa inyo ay magiging lingkod ninyo; at sinomang magibig na maging una sa inyo ay magiging alipin ninyo” (Mateo 20:26–27).
Maraming paraan para makapaglingkod. Maaari nating tulungan ang iba sa kabuhayan, lipunan, pisikal, at espirituwal. Halimbawa, maaari tayong magbigay ng pagkain o iba pang bagay sa mga taong nangangailangan nito. Maaari nating tulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bukas-palad na handog-ayuno. Maaari tayong maging kaibigan ng isang bagong dating. Maaari nating tamnan ang isang hardin para sa isang nakatatanda o alagaan ang isang taong maysakit. Maaari nating ituro ang ebanghelyo sa isang taong nangangailangan ng katotohanan o aluin ang isang taong nagdadalamhati.
Maaari tayong gumawa ng maliliit o malalaking gawain ng paglilingkod. Hindi natin dapat kaligtaan kailanman na tulungan ang isang tao dahil lamang sa hindi tayo makagawa ng malalaking bagay. Ikinuwento ng isang balo ang dalawang bata na nagpunta sa kanyang pintuan noong kalilipat lamang niya sa isang bagong bayan. Dinalhan siya ng mga bata ng isang basket na may pagkain at sulat na nagsasaad na, “Kung kailangan po ninyo ng uutusan, tawagin po ninyo kami.” Natuwa ang balo sa munting kabaitang ito at hindi ito nalimutan kailanman.
Gayunman, kung minsan ay kailanan nating magsakripisyo nang malaki para paglingkuran ang isang tao. Ibinigay ng Tagapagligtas ang Kanyang buhay sa paglilingkod sa atin.
Mag-isip ng mga tao sa inyong pamilya o komunidad na nangangailangan sa aspetong pangkabuhayan, panlipunan, pisikal, o espirituwal. Isiping mabuti kung ano ang maaari ninyong gawin upang mapaglingkuran sila.
Bakit Nais ng Tagapagligtas na Paglingkuran Natin ang Iba
Bakit nais ng Panginoon na paglingkuran natin ang iba?
Sa pamamagitan ng paglilingkod ng kalalakihan at kababaihan at mga bata, ang gawain ng Diyos ay naisasagawa. Ipinaliwanag ni Pangulong Spencer W. Kimball: “Tunay na napapansin tayo ng Diyos, at binabantayan Niya tayo. Ngunit karaniwan na sa pamamagitan ng ibang tao niya ibinibigay ang ating mga pangangailangan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball [2006], 100).
Sa buong buhay natin, lahat tayo ay umaasa sa tulong ng iba. Noong mga sanggol pa tayo, pinakain, binihisan, at inalagaan tayo ng ating mga magulang. Kung wala ang pangangalagang ito, maaaring namatay tayo. Nang lumaki na tayo, tinuruan tayo ng ibang tao ng mga kasanayan at pag-uugali. Marami sa atin ang nangailangan ng pangangalaga sa panahon ng karamdaman o ng pera sa panahon ng pinansiyal na krisis. Ang ilan sa atin ay humihiling sa Diyos na pagpalain ang mga taong naghihirap at pagkatapos ay walang ginagawa para sa kanila. Dapat nating tandaan na ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan natin.
Kapag tinutulungan natin ang isa’t isa, pinaglilingkuran natin ang Diyos. Itinuro ni Haring Benjamin, isang dakilang hari noong panahon ng Aklat ni Mormon, sa kanyang mga tao ang alituntuning ito sa paraan ng kanyang pamumuhay. Pinaglingkuran niya silang lahat nang habambuhay, na nagtatrabaho para sa sariling ikabubuhay sa halip na tustusan ng mga tao. Sa isang inspiradong sermon ipinaliwanag niya kung bakit gustung-gusto niya ang maglingkod, na sinasabing:
“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos. …
“At kung ako na tinatawag ninyong hari ay nagpapagal upang paglingkuran kayo, hindi ba’t nararapat na kayo ay magpagal upang paglingkuran ang isa’t isa?” (Mosias 2:17–18).
Ano ang magagawa natin upang maging handang tugunan ang mga pangangailangan ng iba?
Answer:
makipag tulung sa kapwa,maglingkod,bigyang pagkain at damit ang mahirap na pamilya,at bigyan ang mga tao na nangailagan ng tulong
Explanation:
pa brainlist :)
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.