Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na,
“Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”.
a. If you plant a tomato, you will harvest a tomato.
b. Plant today and you will harvest later.
c. What you sow is what you reap.
d. If you plant a seed, it will grow to a tree.


2. Sa binasang mitolohiya, paano nakatakas si Liongo sa kulungan?
a. Pinatawad na siya ni Haring Ahmad.
b. Nakawala siya sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay habang inaawit ang isang pagpupuri.
c. Nalinlang niya ang bantay sa bilangguan.
d. Tinulungan siya ng mga tao sa labas ng kulungan.

3. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Anong kultura ng bansang Kenya ang masasalamin sa mga pangungusap na ito?
a. Binibigyang-parangal sa Kenya ang mga taong sikat sa lipunan.
b. Tanging ang ama lamang ang may karapatang mamili ng mapapangasawa ng kaniyang anak.
c. Malaki ang pagpapahalaga ng lipunan sa Kenya sa mga bayaning may angking lakas at kapangyarihan.
d. Pantay-pantay ang katayuan ng mga tao sa lipunan ng Kenya.

4. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo sa mga pahayag na ito?
a. PAGKAGALIT
b. PAGKAINIS
c. PAGKAAWA
d. PAGKATUWA

5. Ito ang katangian ni Liongo na nagpapatunay na siya ay tauhan sa isang akdang mitolohiya.
a. MAHUSAY PUMANA
b. MATAAS TULAD NG HIGANTE
c. MATIPUNO ANG KATAWAN
d. SIKAT NA MAKATA

6. Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan.
a. Tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral.
b.Tumatalakay sa kultura at sa mga diyos o bathala.
c. Kuwento ng mga tao at ng mga mahiwagang nilikha.
d. Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay-bagay.

7. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa akdang tinalakay na nagpapatunay na ito ay halimbawa ng mitolohiya maliban sa isa.
a. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante.
b. Kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya.
c. Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
d. Hindi siya nasusugatan ng ano mang armas.

8. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Anong kaisipan ang nilalaman ng mga pahayag na ito?
a. Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo.
b. Karayom lamang ang makapapatay kay Liongo.
c. Lahat ng nilalang, gaano man ang taglay na lakas at kapangyarihan, ay may sariling kahinaan.
d. Si Liongo ay may kakayahang mabuhay magpakailanman.

9. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”.
a. ANG MALUSOG AY MAYAMAN
b. ANG KALUSUGAN AY KAYAMANAN
c. MAS MAHALAGA ANG YAMAN KAYSA KALUSUGAN
d. DAIG NG MALUSOG ANG MAYAMAN


10. Mula sa Matrilinear ay mabilis na nagbago ang pamamahala at pagsasalin ng trono patungo sa Patrilinear. Dahil dito, ang trono ng Pate sa Kenya ay pinamahalaan ng ______________.
a. KABABAIHAN
b. KALALAKIHAN
c. MATATANDA SA LIPUNAN
d. DUGONG MAHARLIKA


Sagot :

                     LIONGO

MGA KASAGUTAN:

1. Piliin ang pinakaangkop na salin ng salawikain sa Filipino na, “Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin”.

  • C. What you sow is what you reap.
  • Ang ibig sabihin ng What you sow is what you reap ay Kung ano ang itinanim ay siya rin ang aanihin. Kung babasahin natin ang ibang pagpipilian ay wala sa kanila ang tama at hindi tumutugma sa salawikain at ang tamang sagot ay ang choice C.

2. Sa binasang mitolohiya, paano nakatakas si Liongo sa kulungan?

  • B. Nakawala siya sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay habang inaawit ang isang pagpupuri.

3. Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Anong kultura ng bansang Kenya ang masasalamin sa mga pangungusap na ito?

  • A. Binibigyang-parangal sa Kenya ang mga taong sikat sa lipunan.

4.  Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa. Anong damdamin ang nangibabaw sa iyo sa mga pahayag na ito?

  • A. PAGKAGALIT
  • Alam naman natin ano ang ating magiging pahayag o mararamdaman natin kapag ganito ang sitwasyon walang iba kundi ang pag-kagalit, sino ba naman sa atin ang gusto na itinuring ng Hinahampas ng latigo upan maging mabilis lang ang kanilang pagtatrabaho.

5. Ito ang katangian ni Liongo na nagpapatunay na siya ay tauhan sa isang akdang mitolohiya.

  • B. MATAAS TULAD NG HIGANTE
  • Ang katangian ni liongo ay mahusay na makata sa kanilang lugar, hindi nasusugatan ng kahit ano mang uri ng armas, at mataas tulad ng higante.

6. Piliin ang pahayag na hindi naglalarawan sa mitolohiya bilang akdang pampanitikan.

  • D. Nagsasaad ng saloobin o pananaw ng may-akda tungkol sa mga bagay-bagay.

7. Ang sumusunod ay mga pangyayari sa akdang tinalakay na nagpapatunay na ito ay halimbawa ng mitolohiya maliban sa isa.

  • C. Si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.

Ano ang mitolohiya?

  • Ang mito/mitolohiya ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha. Ito ay isang natatanging kuwentong kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.

8. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Anong kaisipan ang nilalaman ng mga pahayag na ito?

  • A. Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo.
  • Nasa pusod ang kahinaan ni Liongo ang kaisipan ang nilalaman ng mga pahayag dahil kung malalaman ito ng mga kalaban ay pwede nila itong gawin sa kaniya at ito ang magiging rason na kaniyang ikamatay.

9. Piliin ang pinakaangkop na salin ng kasabihan sa Ingles na, “Health is wealth”.

  • B. ANG KALUSUGAN AY KAYAMANAN
  • Ang ating kalusugan ay mas importante kesa sa ating kayamanan, aanhin natin ang ating kayamanan kung ang ating kalusugan ay hindi na malusog at hindi na malakas?

10. Mula sa Matrilinear ay mabilis na nagbago ang pamamahala at pagsasalin ng trono patungo sa Patrilinear. Dahil dito, ang trono ng Pate sa Kenya ay pinamahalaan ng kalalakihan.

  • B. KALALAKIHAN
  • Matrilinear ay sa kababaihan at ang Patrilinear ay kalalakihan.

===================

  • Sana ay maka tulong ang aking mga kasagutan sa inyo ^^

#CarryOnLearning