IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.

10 mga halimbawa ng palaisipan

Sagot :

10 Halimbawa ng Palaisipan:

  1. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok. Ano ito?
  2. Baboy ni Pedro, balat ay pako.
  3. Sinampal muna bago inalok.
  4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat.
  5. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si Uno, sino ang bunso sa kanila?
  6. Tinaga ko ang puno, sa dulo ang pagdurugo.
  7. Isang lupa - lupaan sa dulo ng kawayan.
  8. Pag - aari ko na mas madalas gamitin ng ibang tao.
  9. Hawakan mo at naririto, hanapin mo ay wala ito.
  10. Ako ay makikita sa gitna ng dagat, dulo ng daigdig, at unahan ng globo.  

Mga Sagot:

  1. pizza pie
  2. langka
  3. sampalok
  4. atis
  5. si Singko
  6. gumamela
  7. sigarilyo
  8. pangalan ko
  9. tenga
  10. titik g

Depinisyon:

Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong na sumusubok sa katalinuhan ng taong lumulutas nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagtutugma - tugma ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. Kadalasan, nililikha ang mga palaisipan upang maging uri ng libangan, ngunit maaari ring maging daan upang linangin ang kasanayang matematikal at lohistikal.

Ang palaisipan din ay isang uri ng karunungang bayan na karaniwan ay  nasa anyong tuluyan bagaman may ilan ding halimbawa nito na nasa anyong patula. Ito ay isang uri ng larong humahamon sa isipan ng mga tao upang mag - isip ng kasagutan o solusyon sa suliraning inilahad.

Upang higit na maunawaan ang mga palaisipan, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/1085267

https://brainly.ph/question/24729

https://brainly.ph/question/261192