Makakuha ng mga sagot mula sa komunidad at mga eksperto sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

Tatlong (3) Pagkakaiba sa gamot na may reseta at gamot na walang reseta

Sagot :

Answer:

Ang gamot o medicine ay isang kemikal na iniinom para lunasan ang sakit. Maaring may reseta o walang reseta ang iniinom nating gamot. Iba’t ibang mga gamot ang ginagamit para lunasan ang iba’t ibang sakit. Ito ay nagpapagaling o nagpapagaan ng karamdaman. Kumonsulta sa doctor para makasigurado sa iinuming gamot.

Pagkakaiba ng Gamot na may Reseta at Gamot na walang Reseta

Ang mga sumusunod ang pagkakaiba ng gamot na may reseta at gamot na walang reseta:

Gamot na may reseta

Inireseta ng isang doktor sa pasyente.

Mabibili sa botika kapag may ipinakitang reseta mula sa doktor.

Hindi maaaring inumin ng ibang pasyente n may kaparehas na sakit.

Iinumin ang gamot na may reseta ayon sa itinakdang bilang at araw.

Ang mga gamot na antibiotic at antidepressant ay halimbawa ng gamot na may reseta.

Gamot na walang reseta

Mabibili ito sa botika bilang over the counter medicine.

Maaring inumin ang gamot kahit walang reseta.

Ginagamit ito bilang self-medication drugs.

Maaring itigil o ipagpatuloy ang paginom ng gamot na walang reseta ayon sa kagustuhan ng pasyente.

Iniinom ang gamot na walang reseta bilang pangunang lunas.

Mga Uri ng Gamot

Ang mga sumusunod ang mga pangunahing uri ng gamot:

Gamot panlaban sa impeksyon

Gamot para sa pananakit

Gamot para sa allergy

Explanation:

Carry on learning;)