Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Si pedro
Si Pedro ay pitong taong gulang. Siya ay punong-puno ng pangarap, ngunit sila ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ay mananahi at ang kanyang ama ay may kapansanan. May mga pagkakataon na hindi siya pumapasok sa paaralan. Iniisip na lamang niya kung paano makatatapos ng pag-aaral. Naisip ni Pedro na pumunta sa ibang bayan para maghanap ng trabaho. At doon ay nakahanap naman siya sa palengke. Araw-araw siyang gumigising nang maaga. Bago pa mag-alas siyete ng umaga ay nakahanda na siyang pumasok sa paaralan. Sa uwian naman ay balik trabaho siya. Sa kanyang pag-uwi galing trabaho, palagi siyang may dalang ulam at gamot para sa kanyang ama. Nakatapos nang pag-aaral si Pedro, at siya ay kasalukuyang manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si Pedro sa mga kabataan ngayon.
1.Tungkol saan ang binasa mong kwento?
2.kung ikaw ang mag bibigay ng pamagat, anong pamagat ang akma sa iyong binasang kwento?
3.Naibigan mo ba ang iyong binasa?bakit?
4.Paano mo bubuoin ang iyong tanong kung ang gusto mong tukuyin ay ang katangian ng tauhan sa kuwento?
5.Paano mo bubuuin ang iyong tanong kung ang gusto mong tukuyin ay ang mga tauhan sa kwento?
