IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Q3-W2-A2-GAWAIN SA PAGKATUTO: (WW)

A. Panuto: Paghambingin ang mga katangian ng mga sumusunod na

karunungang bayan. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito at

ilagay sa venn diagram sa ibaba. (10 puntos)

Tula/ Awiting Panudyo Tugmang de Gulong

Bugtong Palaisipan​


Q3W2A2GAWAIN SA PAGKATUTO WWA Panuto Paghambingin Ang Mga Katangian Ng Mga Sumusunod Nakarunungang Bayan Ibigay Ang Pagkakatulad At Pagkakaiba Ng Mga Ito Atilag class=

Sagot :

Answer:

PANUTO :

Paghambingin ang mga katangian ng mga sumusunod na karunungang bayan. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito at ilagay sa venn diagram sa ibaba.

TULA/AWITING PANUDYO AT TUGMANG DE GULONG

PAGKAKAIBA (TULA/AWITING PANUDYO)

Ito ay para manudyo o mang-asar ngunit dinadaan ito sa tula o awit na may sukat at tugma para hindi makasakit ng damdamin ng iba

PAGKAKAIBA(TUGMANG DE GULONG)

Ang tugmang de gulong naman ay mga kasabihan o salita na kadalasang ginagamit sa sasakyan para sa pasahero na may tugmaan ngunit walang sukat

PAGKAKATULAD

Ang dalawang ito ay nagbibigay ng paalala o babala sa bawat tao na nakakatulong para makaiwas sa gulo o kapahamakan

BUGTONG AT PALAISIPAN

PAGKAKAIBA (BUGTONG)

Ang bugtong ay isang pangungusap o pahayag na may nakatagong kahulugan na kailangang mahulaan na kadalasang may tugma ang bawat dulo nito

PAGKAKAIBA (PALAISIPAN)

Ito din ay may nakatagong kahulugan ngunit mahirap itong malutas sapagkat ito ay kadalasang ginagamitan ng matatalinhaga o malalalim na salita

PAGKAKATULAD

Pareho itong nagbibigay saya o libangan para sa iba dahil bukod sa napapagana nito ang ating utak, natutunan din natin magkaisa para malutas ang mga kahulugan nito

Explanation:

pa brainly