Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Sumulat ng tula tungkol sa inyong ina o magulang, Malayang taludturan na binubuo ng tatlong saknong.​

Sagot :

Answer:

Ang buhay kong ito’y sa inyo nagmula

Pangalawa sa Diyos na s’yang lumikha

Utang ko sa inyo ang aking hininga

Minahal, hinubog ng inyong kalinga.

Mga sakripisyo’y sadyang hindi biro

Mula ng ako’y iniluwal sa mundo

Pag-ibig na iniukol sa ‘ki’y totoo

Pagmamahal ninyo’y nagsilbing lakas ko.

Ako’y tinuruan ng magandang asal

Sa gitna ng hirap ako’y pinag-aral

Upang ‘di mapariwara ang aking buhay

Diplomang natanggap sa inyo ini-alay.

Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad

Pangarap ko’y unti-unting natutupad

Ito’y bunga ng ‘nyong dakilang paglingap

Sa ‘king puso’y walang hanggang pasalamat.

Explanation:

Answer:

ako ay nagmamahal o aking magolang

kayo ay aking mahalnamahal