Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

Ano ang duplo at karagatan. At mga halimbawa nito?



Sagot :

Ang Duplo at Karagatan ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan.  Ang Karagatan ay isa larong patula bilang pang-aliw sa mga naulila ng isang yumao, subalit sa Katagalugan ang Karagatan ay isang dulang nababatay sa isang alamat tungkol sa singsing  ng isang prinsesa. Ang halimbawa ng Karagatan ay ang isang alamat kung saan ang singsing ng isang prinsesa ay nahulog sa gitna ng dagat, pakakasalan ng dalaga kung sinuman ang makakakuha nito.

Ang Duplo ay isang larong may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang halimbawa ng duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka walang iisang paksa isang madulang debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili

Katangian ng Duplo at Karagatan

Katangian ng Duplo

  1. tinatawag na duplero ang mga lalaking kasali at duplera naman sa babae.
  2. ang mga maglalaro ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na.
  3. ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan
  4. ang parusang pinapataw ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay .

Katangian ng Karagatan

  1. ang kwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat
  2. ang binatang makakakuha ng singsing ay ang pakakasalan ng dalaga
  3. sa laro na ito ay hindi na kailangang sumisid sa dagat ang lalaki na nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
  4. ang laro ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Katangian ng Duplo at Karagatan tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/80114

Kasaysayan ng Karagatan at duplo

  • Ang Karagatan ay ginamit sa panliligaw noon. Tulang laro na kalaunan ay napupunta sa pagliligawan noong panahon ng Espanyol.
  • Ang Duplo naman ay laro sa paraan ng pagtula tuwing may patay noong panahon ng Espanyol.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa kasaysayan ng Karagatan at Duplo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/19271

Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo

  • Sa Karagatan ang taong mananalo ay pag nasagot ang ibig sabihin ng mga salitang matalinghaga.
  • Sa Duplo ang mananalo ay sa pamamagitan ng pagpalakpak ng mga manonood o mga nakikinig sa nag papalitan ng mga talinhaga.

Para sa dagdag kaalaman ukol sa Paraan ng paghahatol sa Karagatan at Duplo tignan ang link na ito: https://brainly.ph/question/380438